PRESS RELEASE l 28 November 2011
ALYANSA KONTRA DEMOLISYON
Reference: Carlito Badion, AKD lead convenor (09393873736)
QUEZON CITY—Nanawagan ang grupong Alyansa Kontra Demolisyon ng isang pambansang tigil-demolisyon habang patuloy ang nagaganap mainit na engkwentro ng mga maralita at demolition team sa QC ngayong umaga. Marami ang nasaktan at inaresto sa dalawang magkahiwalay na demolisyon ng kabahayan sa Sitio Looban, Brgy Kaligayahan at sa BIR road, Brgy Central.
“Nakakpanlumo ang kawalang-aksyon ng pambansang pamahalaan sa mga nagaganap na demolisyon ng mga kabahayan ng mga maralitang lungsod,” ayon kay Carlito Badion, convenor ng AKD. “Kami na nga ang naghihirap at walang makain, kami pa ang tinatanggalan ng tirahan ng gubryerno.”
“Hindi na namin maaring palampasin pa ang ginagawang malalang paglabag sa karapatan ng mga maralita. Sa Pilipinas, hindi tao ang trato ng pamahalaan sa mga maralita kundi mga hayop, at basura na itinatapon sa malalayong lugar para sa interes ng negosyo at dayuhan,” dagdag ni Badion.
“Ang kawalang aksyon ng Malacanang sa nagaganap na mga demolisyon ay nangangahulugan ng pakiipagsabwatan ni PNoy sa mga lumalabag sa karapatang-tao ng maralita. Kung tunay siyang nagsisilbi sa mamamayan, kaagad niyang ipahinto ang lahat ng mga nakaambang demolisyon ng mga komunidad sa buong bansa. Kailangang matigil ang nagaganagp na paglabag sa karapatang-tao ng mga maralita.”
Nakakuha naman ng simpatya ang mga maralita mula sa iba’t-ibang grupo ng simbahan. Sa nagaganap na Church People-Urban Poor Solidarity Conference sa Adamson University, nanawagan din sa Pangulo ang mga obispo para ipatigil ang mga demolisyon ng mga maralitang komunidad.
Ani, Fr. Charly Ricafort, MI, tagapangulo ng Task Force for Urban Conscientization (TFUC-AMRSP), "hindi dapat palampasin ng pangulo ang mga nagaganagp paglabag sa karapatan ng mga maralita." Ani Ricafort, sa halip na mga negosyante, dapat maralita at ang mga nanganagilangan ang binibigyang pabor ng pangulo. ###
No comments:
Post a Comment