Translate

Saturday, March 24, 2012

Libong maralita, nagsampa ng kaso sa Korte Suprema para ipatigil ang demolisyon

PRESS RELEASE l Marso 23, 2012

ALYANSA KONTRA DEMOLISYON
Reference: Carlito Badion, AKD co-convenor, 0939.387.3736

Nagmartsa mula sa Plaza Salamanca patungong Korte Suprema ngayong tanghali ang aabot sa tatlong libong maralita sa iba't ibang komunidad sa Metro Manila upang iparating sa mga mahestrado ang kanilang panawagan na ulitin ng mga SC Justices ang ginawa nitong maka-maralitang desisyon hinggil sa Hacienda Luisita.

Pinuno ng mga maralita ang kahabaan ng Faura St sa Manila sa pagkilos ngayong araw.

Isinampa ng mga lider ng mga samahan ng maralitang lungsod na saklaw ng Alyansa Kontra Demolisyon sa papanguguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap ngayong hapon ang isang kasong kumwekestyon sa 'constitutionality' ng ilang seksyon sa Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act (UDHA). Bukas ang ika-20 taon ng UDHA bilang batas matapos itong ipasa sa panunungkulan ni Corazon Aquino noong Marso 24, 1992.

Ayon kay Carlito Badion, lider ng Kadamay at co-convenor ng AKD, ang pagkilos ngayong araw ay naglalayong maipakita sa mga mahestrado ang dami ng mga biktima ng kaliwa't kanang demolisyong nananalasa sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Sa kasong isinampa na isang 'Petition for Prohibition and Mandamus under Rule 65 of the Rules of Court,' binanggit ang pandaigdigang karapatan ng maralita para sa disenting paninirahan ayon Art. 25 of the Universal Declaration of Human Rights.

Binanggit din sa nasabing kaso ang naging report ni Mr. Miloon Kothari, UN Special Rapporteur on the Right to Adequate Housing na nagsasaad na "may karapatan ang bawat tao para sa sariling bahay, at lupa.”

Nais ng nasabing kaso na ideklara ng Korte Suprema na 'unsconstitutional' ang Sekyon 28 (a) at (b) ng RA 7279. Ang mga ito umano ay labag sa Article XIII ng 1987 Philippine Constitution.

‘Respondent’ ng nasabing kaso sa Korte Suprema sina JESSIE ROBREDO, bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government, ang GENERAL MANAGER ng NATIONAL HOUSING AUTHORITY, at sina Hon. GUIA GOMEZ, Hon. HERBERT BAUTISTA at Hon. JOHN REY TIANGCO, mga alkalde ng lungsod ng dumanas ng mga malalalang kaso ng demolisyon ng maralitang komunidad.

Ayon pa kay Badion, ang ginawa nilang pagsasampa ng kaso laban sa UDHA ay isa lamang sa mga paraan nila upang mapigilan ang mga demolisyong kinakaharap ng sektor sa buong bansa.

Ayon sa datos ng Demolition Watch Network, higit sa 16,000 sa Metro Manila pa lamang ang naging biktima ng malawakan at mararahas na demolisyon sa 20 komunidad sa ilalim ng administrasyong Aquino.

"Nanatili pa ring sa malakas na pagdepensa ng mga komunidad sa pamamagitan ng mga barikdang bayan nakakamit ng mga maralita ang kanilang karapatan para sa disenteng paninirahan," dagdag ni Badion. ###


MGA TAMPOK NA PROYEKTONG NAGDULOT NG DEMOLISYON NG MGA KOMUNIDAD AT MGA NAAPEKTUHANG MARALITANG PAMILYA

South Rail-North Rail Linkage Project
South NCR (28,000)
Manila (16,000)
Kalookan (20,000)

Floodway Project
Pasig (25,000)

R-10 Road widening
Navotas (4,000)

Manila to Cavite Coastal Road and Reclamation Project
Pasay (25,000)

Skyway Project
Makati, Taguig, Muntinlupa (5,000)

Pocket Demolitions
NCR-wide (64,000)

No comments:

Post a Comment