Translate

Thursday, January 17, 2013

Group decries 'genocide' of poor patients in government's plan to privatize government hospitals


Members of militant urban poor group Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) stormed the office of Public-Private Partnership (PPP) Center in Quezon City this morning to express their rage against the privatization schemes under the Aquino administration.

The protesters are enraged by recent developments in plan of the said agency and the Department of Health to privatize the Philippine Orthopedic Center (POC) and 28 other public medical centers and hospitals in the country.

Carlito Badion, Kadamay national secretary-general, said that the privatization in the health sector under Aquino's Public-Private Partnership program is literally killing indigent patients.

"Poor patients will die due to tremendous increase in the cost of hospitalization once privatization invades our public hospitals," said Badion.

According to the group, 6 out of 10 poor patients die due to lack of access to medical services. The number will surely increase in the coming days as the Aquino administration remains apathetic of the condition of poor Filipinos.

"It is genocide of the poor," Badion remarked.

On January 25, PPP Center is set to hold a Pre-Bid Conference at the National Kidney and Transplant Institute (NKTI) for investors interested to finance the Modernization of Philippine Orthopedic Center which is the first PPP project in the health sector. 

By July this year, the construction of a 700-bed capacity super-specialty tertiary orthopedic hospital within the NKTI compound that will replace the present POC is expected to commence. 

According to the Kadamay, the said event is vital in the process of privatizing the said hospital.  "The urban poor as well as the POC health workers will by all means prevent the Pre-Bid Conference from happening," Badion added..

Aside from the POC, the National Center for Mental Health and the Research Institute for Tropical Medicine are also up for privatization under PPP. 

Twenty-six other public hospitals and medical centers in different regions in the country are to be corporatized or turned into government owned and controlled corporations (GOCC) upon the passage of  House Bills 6069 and 6145, as well as Senate Bill 3031. ###


Pribatisasyon ng mga pampublikong ospital, genocide ng mga maralita -- Kadamay

Isang grupo ng mga maralita ang lumusob sa opisina ng Public-Private Partnership (PPP) sa Quezon City ngayong umaga upang ipakita ang kanilang disgusto sa ipinapatupad na pribatisasyon ng administrasyong Aquino.

Ang mga miyembro na mula sa grupo ng Kadamay at Anakpawis ay galit sa planong pribatisasyon ng Philippine Orthopedic Center (POC) at 28 iba pang mga pampublikong ospital at medical center sa buong bansa. 

Ayon kay Carlito Badion, national secretary-general ng Kadamay, ang pribatisasyon ng mga pampublikong ospital ay papatay sa mga maralitang pasyente.

"Hindi kayang mabayaran ng mga maralitang pasyente ang ilang beses na itaas kapag pribado na ang serbisyo at mismong ang mga ospital ng gubyerno," ani Badion na nagbanggit na 6 sa 10 maralitang pasyente ang namamatay dahil sa kawalang kakayahang magpagamot. 

Inaasahan pa umanong tumaas ang bilang na ito sa mga darating na mga araw kapag gumulong na ang iba't ibang PPP project sa sektor ng kalusugan.

"Ito ay isang malinaw ng genocide ng mga maralita sa ilalim ng administrasyong Aquino," dagdag ni Badion.

Sa Enero 25 ay maglulunsad ang PPP Center ng isang Pre-Bid Conference sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) para sa mga negosyanteng interasado sa Modernization of Philippine Orthopedic Centeru (MPOC) na isa sa mga pangunahing PPP project sa sektor ng kalusugan.

Inaasahang itayo sa Hulyo 2013 ang isang modernong orthopedic center sa loob ng NKTI compound kapag natapos na ang bidding process para sa MPOC. 

Ayon sa Kadamay, hahadlangan ng mga maralita kasama ng mga health workers ng Philippine Orthopedic Center ang nasabing conference, at ang mga ilulunsad pang bidding process ng gubyerno kaugnay sa pribatisasyon ng POC.  

Liban sa POC, nakatakda ring isapribado ang National Center for Mental Health at Research Institute for Tropical Medicine sa ilalim ng PPP ni Aquino. 

Dalawampu't anim ang pampublikong ospital at medical center sa iba't ibang rehiyon sa buong bansa ang plano ring ikorporatisa o gawing government owned and controlled corporations (GOCC) ng administrasyong Aquino sa pagpasa ng  House Bills 6069 and 6145, at ng Senate Bill 3031. ###

Reference: Carlito Badion, Kadamay national sec-gen, 0921.392.7457
                 

--
Kalipunan ng Damayang Mahihirap 
Miltanteng Sentro ng Maralitang Lungsod sa Pilipinas 
12-A Kasiyahan St., Don Antonio Hts., Brgy. Holy Spirit, QC

No comments:

Post a Comment