Translate

Monday, March 25, 2013

Mga maralitang lungsod, maglulunsad ng buong araw na protesta ngayong Lunes Santo

Upang ipakita ang tumitinding kalbaryo ng maralita sa ilalim ng administrasyong Aquino, maglulunsad ngayong Lunes Santo ng buong araw na protesta ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY).

Sisimulan ng grupo ang kanilang protesta sa pamamagitan ng isang Pasyong Bayan sa labas ng Philippine Orthopedic Center upang ipakita ang epekto ng pribatisasyon ng mga ospital sa mga maralitang pasyente.

Bukas, Marso 26, ang inaasahang deadline para sa mga interesadong negosyante na mag-bid para sa pagsasapribado ng POC kaya't mariin ang kanilang panawagan sa gubyerno na isuspende ang nakaambang bidding process sapagkat wala umano itong maidudulot kundi ang pagkamatay ng libu-libong maralitang pasyente.

Bago magtanghali ay tutungo ang daan-daang maralita sa labas ng University of the Philippines Manila sa Padre Faura kung saan magtatali sila ng pulang laso at magtitirik ng pulang kandila upang ipakita ang kanilang galit sa pagkamatay ng estudyanteng sa Kristel Tejada.

Ayon kay Gloria Arellano, pambasang tagapangulo ng KADAMAY, si Kristel at marami pang iba ay biktima ng mga kontra-maralitang programa ng administrasyong Aquino alinsunod sa neoliberal na globalisasyon..

"Sa loob ng tatlong panunungkulan ni Aquino, walang ibang dinanas ang mga maralita kundi ang ibayong kahirapan at kagutuman sa kabila ng ipinagmamalaki nitong matuwid na daan at pag-unlad ng ekonomiya," ani Arellano.

Pagkatapos sa UP Manila ay nakatakdang magprotesta ang mga maralita patungong Korte Suprema, US Embassy at Mendiola, at sa ilang ahensyang madaraanan ng kanilang prusisyon. ###

Reference: Gloria Arellano, KADAMAY national chair, 0921.392.7457

No comments:

Post a Comment