Tinawag
na papogi lamang ang clean-up drive sa mga daanan ng tubig sa Metro
Manila na isinasagawa ng mga tauhan ng Metro Manila Development
Authority (MMDA) simula kahapon ng umaga sa pangunguna ni MMDA Chairman
Francis Tolentino.
Ayon
kay Carlito Badion, national secretary-general ng KADAMAY, ginawa lang
ito ng MMDA upang hindi sabihing naging inutil ang kanilang ahensya sa
inaasahan na matitinding kaso ng pagpabaha sa Metro Manila sa pagpasok
ng panahon ng tag-ulan.
Ayon sa
KADAMAY, walang siginipikanteng magagawa ang naturang clean up drive
upang tiyakin na hindi na mauulit ang trahendyang tulad ng epekto ng
pagragasa ng Bagyong Ondoy at Hanging Habagat.
Kinondena rin ng
grupo ang palagiang paninisi ng gubyerno sa mga maralitang nakatira sa
tabi ng mga daanan ng tubig na umano'y nasa llikod ng matinding pagbaha,
at ang plano ng gubyerno sa massive relocation sa kanila bago ang
tag-ulan.
"Hindi
ang mga maralita ang dahilan ng tumitinding pagbaha sa Metro Manila,
kundi ang kahinaan ng gubyernong ipatupad ang mga tumpak na solusyon
upang maiwasan ito," ani Badion.
Ayon kay Badion, kung
talagang seryoso ang administrasyong Aquino na maiwasan ang tumitinding
pagbaha sa Metro Manila, dapat matagal na umanong ipinatigil nito ang
malawakang pagtotroso at pagmimina sa mga bulubunduking nakapaligid
dito.
Palagian
din umano dapat ang pagsasaayos ng mga nasisirang pumping station sa
bunganga ng mga ilog. At dapat din umanong ipahinto na ang planong
reclamation projects sa Manila at Laguna Bay na inaasahang babara sa
pagdaloy ng tubig mula sa mga estero sa Metro Manila.
"Sapagkat
patuloy na walang ginagawa ang gubyerno sa mga nabanggit na hakbangin,
bagkus ay paninisi pa ang ginagawa nito sa mga maralita, aasahan ng mga
residente ng Metro Manila ang mas malala pang pagbaha sa mga darating na
buwan," pagwawakas ni Badion.###
Reference: Carlito Badion, KADAMAY national sec-gen, 09393873736
No comments:
Post a Comment