Translate

Thursday, July 4, 2013

'Buhay ng maralitang lungsod, mas masahol pa sa impiyerno sa ilalim ni Aquino'

'Mas masahol pa sa impyerno ang buhay ng maralitang lungsod sa ilalim ng administrasyong Aquino,' ito ang pahayag ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) kasabay ng pinakahuling ulat ng Asian Development Bank na halos kalahati sa mga anti-poverty program ng gubyerno ay palpak sa gitna ng lumalalang tantos ng kahirapan sa bansa.

Hirit pa ng KADAMAY, ang gubyerno pa mismo ang nasa likod ng kahirapang dinaranas ng mahigit 30 milyong maralitang-lungsod sa Pilipinas pagtalikod nitong maglaan ng mga serbisyong panlipunan at sa kaliwa't kanang atake nito sa kanilang paninirahan at kabuhayan. 

"Sa tatlong taong panunungkulan ni Aquino, biktima ang sektor ng  pamamaslang sa hindi bababa sa 13 maralitang tumututol sa demolisyon, at ng pagkawasak ng tahanan at kabuhayan ng libu-libong pamilya," ayon sa pahayag ng grupo.

Halos lahat umano sa mga maralitang biktima ng demolisyon ay lumalala ang pang-ekonomiya at panlipunang kalagayan, habang nagsisilbing gatasang baka lamang ng gubyerno ang mga negosyong pabahay na inilalako sa kanila gubyerno, na wala umanong ipinagkaiba.

Ngayong araw, naitala ang hindi bababa sa tatlong magkakahiwalay na kaso ng sapilitang demolisyon sa Metro Manila, kabilang na sa Brgy Cupang, Muntinlupa City (250 pamilyang apektado), Brgy North Fairview sa Brgy Bignay (200 pamilyang apektado), at Barangay Bignay, Valenzuela City (213 pamilyang apektado). Habang ilang pamilya ang nawalan ng tahanan at nagyong nakatira sa lansangan noong nakaraang buwan sa Sitio Damayan, Taytay (50 pamilya) at Barangay Bungad, Quezon City (45 pamilya).

Sa huling ulat ng mga residente, isang lider, si Ricardo Gagap, ang kumpirmadong hinuli at dinala sa presinto ng kapulisan mula sa barikada ng mga residente sa Brgy Bignay. Habang patuloy pa rin ang pakikipaggirian ng mga maralita sa awtoridad para ipagtanggol ang kanilang tahanan.

Ayon kay Gloria Arellano, pambansang tagapangulo ng KADAMAY, ang administrasyong Aquino ay maituturing na isa sa pinakamadilim na punto sa kasaysayan ng maralitang lungsod sa Pilipinas.

"Kagaya ng naganap sa North Triangle noong Lunes, ang lumalalang kawalan ng trabaho at kabuhayan at ang kaliwa't kanng demolisyon ang magsisindi ng pag-aaklas ng libu-libong maralita upang pabagsakin ang inutil at kontra-mamamayang gubyerno," pagwawakas ni Arellano.###

References:
Gloria Arellano, KADAMAY national chair, 09213927457   
Arcelli Butial, Carmina HOA, Inc (Cupang, Muntinlupa), President, 09084201826
Rowena Frinda, Bignay community leader, 09304525860
Benigno Baluyot, North Fairview community leader, 09476058465

No comments:

Post a Comment