Translate

Saturday, July 6, 2013

Grupong KADAMAY, dismayado sa komento ni Bianca Gozalez hinggil sa informal settler

Nagpahayag ng pagkadismaya ang militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) sa naging komento ni Bianca Gonazalez, isang local celebrity sa bansa, tungkol sa mga informal settlers sa kanyang tweeter account.

Ayong kay Bianca, "Andami nating nagtatrabaho para makaipon para sa prime lot at bahay plus buwis pa. Bakit nga ba binibaby ang mga informal settlers?"

Resulta ang komento ni Bianca ng naganap na paglaban noong Lunes ng mga residente ng North Traingle sa Quezon City, isang prime lot na planong idevelop ng Ayala Land, Inc para sa proyektong Quezon City Central Business District.

Si Bianca ay nakilala bilang host ng Pinoy Big Brother at may tweet followers na 2,449,885.

Ayon kay Gloria Arellano, KADAMAY national chairperson, hindi nila inaasahan ang ganitong klase ng komento sa kagaya ni Bianca Gonzales na isang child rights supporter ng UNICEF.

Hirit pa ni Arellano, ang mga katulad ni Gonzales, kabilang na ang ilang mga journalist ay dapat magsagawa ng social analysis upang malaman kung gaano ka-productive ang maralita ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin sila makapag-ipon ng sapat para sa pangangailang ng kanilang pamilya. 

"Kailangan maunawaan ni Bianca ang tunay na ugat ang urban poverty at squatting problem sa bansa. Ito ay isang social responsibility ni Bianca at ng iba pang journalist na tagapag-timon ng public opinion sa bansa," ani Arellano.

Inaasahan ng grupo na pagtatanong lamang ang naging komento ni Bianca. Nakahanda umanong maglinaw ang KADAMAY at sagutin kung talagang bini-baby ng gubyerno ang mga informal settler.

"Pam-bibaby bang maituturing ang libu-libong maralitang pamilyang na itinaboy ng gubyernong Aquino sa panahon ng kanyang panunungkulan at pagdanas nila ng pandarahas ng estado mula sa sapilitang paggiba ng kanilang tahanan, pagkakakulong, pagsasampa ng gawa-gawang kaso hanggang sa pamamaslang sa 13 maralitang tumututol sa demolisyon?" tanong ni Arellano.

"Nais naming isama sya sa komunidad ng maralita sa Barangay Bignay, Valenzuela para makilala nya si Maybellin Fronda, isang 2-taong batang nagtamo ng minor injury sa kanyang spinal cord matapos syang pwersahang kuhanin ng DSWD mula sa kanyang nanay sa isang demolisyon sa kanilang lugar noong Mayo 31. Naging kritikal ang bata sa ospital nang lumala ang sakit na pneumonia matapos matulog ng tatlong araw sa lansangan dahil sa wala siyang tahanan na mapagkakanlungan," ani Arellano.

Sa halip na magkomento laban sa maralita, umaasa kami ng malaki kay Bianca Gonzales at sa iba pang taga-hubog ng opinyong publiko sa bansa upang maipaunawa sa taumbayan, sa gubyerno, maging sa United Nations, kung gaano kalala ang kalagayang dinaranas ng maralitang lungsod sa ilalim ng administrasyong Aquino.###

Reference: Gloria Arellano, KADAMAY national chair, 09213927457

No comments:

Post a Comment