Sa kabila ng walang humpay na pagbabatikos sa administrasyong Aquino ng kanyang mga kritiko kaugnay sa lumalalang kahirapan sa bansa, pinayuhan ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang pangulo na huwag pagtakpan ang tunay na kalagayan ng mamamayan.
Ayon sa Ibon Foundation, 80 milyong Pilipino ang tunay na bilang ng naghihirap sa bansa. Halos 8 sa 10 Pilipino ay maituturing na maralita sa kabila ng 7.8% pag-angat ng ekonomiya sa unang kwarto ng taon.
Dalawang bagay lamang umano ang kailangang gawin ng administrasyong Aquino upang mabigyang solusyon ang lumalang kahirapan sa bansa, ayon kay Gloria Arellano, pambansang tagapangulo ng KADAMAY.
Una ay ang agarang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa sa kanayunan upang magkaroon ng pagmumulan ng kabuhayan ang milyun-milyong magsasaka at manggagawang-bukid, ayon sa kay Arellano.
Dagdag pa ng lider, "Ito ang maglilikha ng produktibidad para sa ekonomiya dahil kontrolado ng mga magsasaka at manggagawang bukid ang kasangkapan sa produksyon. Wala nang dahilan para sa malawakang rural-urban migration kapag natugunan ito."
Ikalawa ay ang pagpapatupad ng pambansang industriyalisasyon kung saan ang produkto ng ekonomiya ay nakalaan hindi para sa tubo ng mga dayuhan na inilalabas sa bansa kundi upang tugunan ang lokal na pangangailangan ng mamamayan.
"Ang pagtatayo ng mga saligang industriya—mula sa industriyang mabibigat hanggang sa magagaang na industriya katulad ng produksyon ng pagkain, ang maglilikha ng trabaho para sa malawak na bilang ng mamamayan. Ang pambansang industriyalisasyon na ito ay pinapaandar ng modernisadong agrikultura na lilikhain ng tunay na reporma sa lupa," ani Arellano.
Nauna ng nagsalita ang Malacanang na laos na ang ganitong balangkas ng ekonomiya. Ngunit ayon sa KADAMAY, inaasahan na nila ang ganitong pahayag mula sa gubyernong pinamumunuan ng hacienderong pangulo na tagapagsalita ng malalaking lokal at dayuhang negosyante. ###
Reference: Gloria Arellano, KADAMAY national chair, 09213927457

No comments:
Post a Comment