Translate

Saturday, July 27, 2013

[Sa kabila ng anunsyo ng QC LGU] Mga residente ng North Triangle, nakahanda laban sa sorpresang demolisyon ng kanilang tirahan

Ilang taon na umanong pinaghahandaaan ng mga residente ng North Triangle ang pagbigo sa demolisyon sa kanilang lugar, kaya't hindi umano nababahala ang mga residente sa anunsyo ni Secretary to QC Mayor na si Taddy Palma na anumang oras ay maari ng gibain ang kabahayan ng mga nakatira sa kahabaan ng Agham Road.

Noong Huwebes, nagpahayag si Palma nakakuha ng ang kanilang opisina ng Certificate of Compliance mula sa Local Housing Board ng QC, kaya't wala ng hahadlang sa pagpapalayas sa mga residente. Kasama sa listahan ng kagyat na palalayasin ay ang mga residente sa Payatas sa likod ng Justice Cecilia Munoz High School, Dupax sa Old Balara, at tabing-estero sa West Kamias.

Ayon kay Estrelieta Bagasbas, lider ng September 23 Movement, isang lokal na alyansa ng mga residente ng North Triangle, sa naging dialogo nila kay Palma noong Hulyo 19, nangako pa ito na magpapatawag ng isang Pre-Demolition Conference upang pag-usapan kasama ang kapulisan ang anumang plano ng isinasaga nilang demolisyon.

Ngunit hindi umano nila pinanghahawakan ang salita ni Palma sapagkat napatunayan na nila sa mga naunang kaso ng demolisyon sa Quezon City na biglaan ang mga demolisyon isinasagawa ng pamahalaang panglungsod upang matiyak na hindi nakahanda ang mga residente.

Binanggit ng grupo ang marahas na demolisyon na naganap sa BIR Road sa East Triangle kung saan sinorpreso ng demolition team ang mga residente.

Tunay na sindikato

"Tatlong taon na kaming naghahanda sa demolisyon simula ng mabigo namin ang demolisyon sa EDSA noong Setyembre 23, 2010. Halos tatlong taon na kaming pinipwerwisyo ng sinidkato nasa likod ng QC LGU na pinamumunuan nila Herbert Bautista at Taddy Palma kasama sila Sonny Belmonte at Paquito Ochoa," ani Bagasbas.

Sila umano ang kikita mula sa kick-back na makukuha nila mula sa proyektong Quezon City Central Business District. Gayundin, mula sa paglilikas sa mga residente ng Queaon City patungo sa mga relokasyong negosyo ng New San Jose Builders, Inc.

Samantala, kahapon ay inumpisahan na ang demolisyon ng ilang kabahayan sa Barangay West Kamias.###

Reference: Estrelieta ' Ka Inday' Bagasbas, September 23 Movement chair, 09089987119

No comments:

Post a Comment