"Wag gawing kasangkapan sa pagpapakitang-gilas nito ang mga maralitang nagsusumikap maghanapbuhay," ito ang pahayag ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) matapos ang magkakasunod na banta ni dating pangulo na ngayo'y alkalde ng Maynila laban sa mga vendors at kuliglig na nagkalat umano sa lansangan ng lungsod.
Noong unang araw nya bilang alkalde ng Lungsod, nag-ikot si Erap dala ang isang walis sa mga lansangan ng Maynila na anito'y simbolo ng kanyang paglilinis sa mga iligal vendors sa mga bangketa ng lungsod. Sinabayan ito ng protesta ng mga vendors sa pangunguna ng People's Democratic Hawkers and Vendors Alliance (PEDHVA-KADAMAY).
Matapos naman ang bus-ban na sinimulan nang ipatupad sa Maynila, isusunod na umano ni Erap ang mga naglipnang kuliglig sa lansangan ng lungsod, lalo na ang mga walang prangkisa.
Erap para sa mahirap
Banta ng KADAMAY, hindi nagngingiming magpatalsik ng alkalde ang mga maralita ng Maynila kung hindi titigil ang dating pangulo sa pagsupil sa karapatan ng mga maralita.
Wag umano nitong kalabanin ang mga maralita kahit napatunayan na nilang kasinungalingan lamang ang taguri sa dating pangulo na 'Erap para sa Mahirap.'
"Ang pagtanggal sa karapatan ng mga maralitang makapaghanapbuhay ng disente ay magbubunsod lamang sa di-kaayaayang kalagayang panlipunan tulad ng paglala ng kaso ng kriminiladidad sa lungsod," ayon sa grupo.
"Ang dapat pagpakitaang-gilas ni Erap ay ang paglikha ng mga trabahong may nakabubuhay na sahod sa halip na tanggalin pa ang kabuhayan ng mga manininda at kuliglig driver na kakarampot lamang ang kinikita sa araw-araw na paghahanap-buhay sa lansangan ng Maynila," ayon sa KADAMAY.
Dapat rin umanong itigil ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang paglilikas sa mga maralitang nakatira sa gilid ng estero patungo sa mga relokasyong kapos na kapos sa kabuhayan.###
Reference: Gloria Arellano, KADAMAY natl chair, 09213927457

No comments:
Post a Comment