Matapos ang marahas na demolisyon ng 10 kabahayan sa Phase 8, Barangay North Fairview, kinodena ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang mga sinidkato sa loob umano mismo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Noong Huwebes, marahas na pinalayas ang mga maralita sa North Fairview sa kabila ng dinidinig pa sa korte ang kasong hinggil sa pagmamay-ari ng lupa. Maraming kababihan, kabilang na ang isang buntis, ang umano'y nasaktan sa naganap na insidente.
Ginagamit umano ang Task Force for the Control, Prevention and Removal of Illegal Structure and Squatting (TF COPRISS) sa ilalim ng lokal na pamahalaan ng QC upang kamkamin ng isang negoyante ang lupa ng mga residente. Mga commercial town houses ang itatayo umano sa lugar na inookupa ng mga residente sa loob ng tatlong dekada.
Nakahanda naman umanong bayaran ng mga residente ang lupang kinititirikan ng kanilang tahanan. Ngayong hapon, sa pangunguna ng mga kababaihan sa komunidad, planong bawiin ng mga residente sa kabila ng panibagong pangdarahas ng mga aramdong gwardyang nagbabatay sa lugar.
Carlito Badion, national secretary-general ng KADAMAY, malaki umano ang kinikita ng mga sinidkato sa loob ng Quezon City Hall mula sa malawakang demolisyon sa kanilang lungsod, gayundin mula sa paglilikas sa mga residente patungo sa negosyong pabahay sa malalayong probinsya. Mula pa umano ito administrasyong Belmonte hanggang sa kasalukuyang administrasyong Bautista.
Samantala, nagbabala si Badion sa pagpapatindi pang 'gera laban sa maralita' sa mga sumusunod na araw pagkatapos i-anunsyo ng Quezon City LGU na maaari ng gibain anumang araw ang mga komunidad ng maralita sa kahabaan ng Agham Road, Payatas, West Kamias, at Old Balara.
“Muli naming iginigiit: hangga’t hindi tinutugunan ng gobyerno ang usapin ng kabuhayan, wala itong karapatang tanggalan ng tirahan ang maralita. Katumbas ito ng kamatayan para sa mga Pilipino na naghihikahos na sa kahirapan dahil sa mga nagtataasang presyo ng bilihin sa ilalim ng administrasyong Aquino” ani Badion. ###
Reference: Carlito Badion, KADAMAY natl sec-gen, AKD lead convenor, 09393873736

No comments:
Post a Comment