Ang bahay bagamat pangangailangan ng tao ay itinuturing na kalakal. Ang lupang kinatitirikan, kailangang bilhin. Kung wala kang pera, wala kang disenteng tirahan.
Sa loob ng tatlong taong panunungkulan ni Aquino, patuloy ang pagdami ng maralitang lungsod at nagsisiksikan sa mga maralitang komunidad. Sila ay matatagpuan sa mga bakanteng loteng pampubliko at pribado, sa ilalim ng tulay, sa mga tabi ng daluyan ng tubig, tabi ng basurahan, barung-barong, o sa kariton na tirahan sa bangketa. Ito ay mapanganib na lugar ayon sa gobyerno.
Sa programa ng rehimeng US-Aquino sa kasalukuyan na Public-Private Partnership o PPP, pursigidong isinusulong sa ngalan ng “proyektong pangkaunlaran” ang pangangamkam ng malalawak na lupain sa kanayunan at kalunsuran upang pagtayuan ng mga commercial center, central business districts, nagtatayugang gusali, pagbubukas at pagpapalawak ng mga kalsada, at magagarang subdibisyon.
Kaunlaran ba ito para kanino? Kung sa hanay ng maralita, magdudulot ito ng malawakang demolisyon at dislokasyon sa kanilang kabahayan at kakarampot na kabuhayan. Ligalig sa araw-araw ang pamumuhay ng mga maralita, dahil sa demolisyon. Higit pa rito, malaking sakit ng ulo ang kawalan ng permanenteng hanapbuhay, trabaho at sapat na kita para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Nasa ilalim din ng PPP ang pagsasapribado sa mga batayang serbisyo tulad ng tubig, kuryente, edukasyon, pangkalusugan at pabahay na lubusang ipinapaubaya sa mga dayuhan at malalaking lokal na kapitalista. Ikamamatay ng libu-libong maralita ang nakaambang pagsasapribado sa higit 30 na pampublikong ospital sa buong bansa.
Ano ang tunay na kalagayan ng maralitang lungsod?
Sa isang kahig-isang tukang kalagayan ng pamilyang Pilipino, paano nito kakayanin ang nagtataasang halaga ng serbisyo at pagkain sa kabila ng ipingangalandakan ng rehimeng Aquino na umabot sa 7.8% na paglago ng ekonomya.
Mula nang maluklok si Aquino sa poder, tumaas kapwa ang bilang ng naghihirap at nagugutom na Pilipino. Ayon sa SWS Survey, mula 8.9 milyong pamilya noong 2012, naging 10.6 M ngayong 2013 ang maralitang pamilyang lugmok sa matinding kahirapan. Lumaki rin ang bilang ng mga nagugutom na pamilya mula sa taunang average sa 3.6M noong 2010 patungong 7.9M sa Marso ng 2013.
Ang pangunahing dahilan sa likod nito, ang lumalaking bilang ng walang trabaho sa bansa, na mula 9.5M noong 2010 ay umabot na ng 11.1 M ngayong 2013. Tiyak na tiyak na mas malaki pa ang datos ng katotohanan.
Ang mababang sahod na P456 (sa NCR) kada araw ng mga manggagawa ay hindi rin makaagapay sa pangangailangan ng pamilya sa araw-araw. Napakalayo nito sa P1,033 para matustusan ang pangangailangan ng pamilyang may anim na kasapi. Dahil naman sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin, lalong naagnas ang tunay na halaga ng sahod at kita ng mga manggagawa at mala-manggagawa.
Pilit isinasantabi ng administrasyong Aquino ang makabuluhang pagtaas sa sahod ng mga manggagawa. Sa halip, two-tiered wage ang sinasagot nito, bagay na maglilingkod lamang sa mga kapitalista.
Sa kanayunan, patuloy na nagpapalikas papuntang mga lungsod ang malaganap na kawalan ng lupa. Pinapalikas ang mga magsasaka at pambansang minorya mula sa kanilang lupain upang bigyang-daan ang mga dayuhang kumpanya ng mina, malalaking plantasyong agribisnes at iba pang proyekto. Sa pagpunta nila sa lungsod, wala namang trabaho matagpuan dahil sa wala namang tunay na industriyal na pagunlad sa bansa.
Ito ang nagdudulot sa paglobo ng bilang ng maralitang lungsod sa ating lipunan—sila yaong mga manggagawa at mala-manggagawa katulad ng tsuper, katulong, kargador, mangagawa sa konstruksyon at iba pang pinagkakakitaan na hindi regular.
Sila ngayon ang kumakaharap sa matinding atake sa paninirahan at kabuhayan dahil sa mga nakaambang pagpapalayas kanila sa tabi ng waterways at dahil sa mga development projects para sa malalaking negosyo.
Habang papalaki ang bilang ng mahihirap, nakakonsentra naman ang yaman sa iilang naghaharing uring panginoong maylupat at malalaking negosyo. Nitong nagdaang taon, tanging ang 40 na pinakamayayamang negosyante katulad ni Ayala, Henry Sy at Danging Cojuangco ang nagtala ng malaking kita. Habang sadlak sa karalitaan ang mamamayan, nagpapakasasa sa marangyang pamumuhay ang mga malakaking kapitalista, kabilang na si Noynoy Aquino.
Ano ang solusyon ng gobyerno sa matinding kahirapan?
CCT ang sagot ni Aquino sa kahirapan, habang pinipigilan ang pagtaas ng sahod, habang pinapanatili ang kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kawalan ng serbisyong panlipunan. Habang ginagamit rin itong instrumento para pigilang sumali ang mga “benepisyaryo” ng CCT sa mga progresibong organisasyon.
Sa suliranin ng kawalan ng trabaho, pinapalabas ng gobyerno na may “mismatch” diumano, na hindi tugma ang mga kasanayan ng mga manggagawa sa trabahong mayroon. Naglulunsad ito ng mga pakulong na job fair na sa katunayan ay tumatanggap lamang ng napakaliit na bilang ng mga walang trabaho.
Ang malaking kasinungalingan pa ng gubyerno: ang pagpasok diumano ng dayuhang imbestor ang maglilikha ng trabaho sa ating mamamayan kaya’t lalong pinababansot ang ating ekonomiya sa matinding liberalisyon, deregulasyon at pribatisasyon.
Mapapawi nga ba ng gobyerno ang mga maralita sa pamamagitan ng pagpapalayas sa kanila sa mga kalunsuran?
Tiyak na mabibigo ang anumang gobyerno sa pagresolba ng kahirapan sa kalunsuran sa pamamagitan ng paglilikas sa mga maralitang komunidad papunta sa mga relokasyon at mga probinsya. Sapagkat sa saligan, ang pagharap sa usapin ng pabahay at paninirahan ay hindi sasagot sa suliranin ng informal settlements na papalaki.
Kahit pa magpamudmod ng higit pa sa P18,000 upang palayasin ang mga maralita sa mga komunidad at kahit magtayo ng mga abot-kayang pabahay para sa kanila, hindi ito kailanman magiging solusyon. Dahil hindi nito tinutugunan ang puno’t dulo ng problema--ang kawalan ng trabaho dahil sa kawalan ng industriyang maglilikha ng trabaho at ang kawalan ng lupang masasaka sa kanayunan.
Ang mga militanteng paglaban ng mga maralita para sa kanilang paninirahan ay tiyak na bibigo sa malawakang demolisyon sa ilalim ng administrasyong Aquino. Kahit gaano pa man kaduguan ang kamay ng rehimen sa pagkitil sa hindi bababa sa 13 maralitang lungsod na lumalaban para sa kanilang lupang panirikan.
Ano ang tunay na solusyon para sa maralita?
Ang mithiin ng maralitang lungsod ay ipatupad ang tunay na reporma sa lupa sa kanayunan. Ito ang magbibigay ng trabaho sa mga magsasaka at manggagawang-bukid. Maglilikha ito ng produktibidad para sa ekonomiya dahil kontrolado ng mga magsasaka at manggagawang bukid ang kasangkapan sa produksyon. Wala nang dahilan para sa malawakang rural-urban migration o paglikas patungong kalunsuran ng mga magsasaka.
Ang mithiin ng maralitang lungsod ay ipatupad ang pambansang industriyalisasyon. Ang produkto ng ekonomiya ay nakalaan hindi dapat para sa kosumo at tubo ng mga dayuhan kundi upang tugunan ang lokal na pangangailangan nating mamamayan. Ang pagtatayo ng mga saligang industriya—mula sa industriyang mabibigat hanggang sa magagaang na industriya katulad ng produksyon ng pagkain—ang maglilikha ng trabaho para sa malawak na bilang ng mamamayan. Ang pambansang industriyalisasyon na ito ay pinapaandar ng modernisadong agrikultura na lilikhain ng tunay na reporma sa lupa.
Kung ang bawat manggagawa ay may sapat na sahod at disenteng pamumuhay, makakamit lamang ang ligtas at mas kaseguruhan na paninirahan.
Ang mga mithiing ito ay mananatiling suntok sa buwan sa ilalim ng rehimen ni Noynoy Aquino. Hangga’t nais nitong mangayupapa sa dayuhang interes at sulsol ng mga malalaking negosyante, hindi masosolusyunan ang problema ng maralita.
Hindi na kayang magtiis pa ng maralita sa ilang taong pa ng administrasyong Aquino. Sa isang sosyalistang lipunanang maitatayo sa pagpapabagsak sa kasalukuyang sistema makakamit lamang ng mamamayan ang tunay na kaginahawahan sa buhay.
Lumahok sa Protesta sa SONA ni Aquino sa Hulyo 22!
Wakasan ang demolisyon ng maralitang komunidad para sa malalaking negosyante at dayuhan!
Maralita, maghimagsik laban sa kahirapan, kaapihan at pambubusabos ng rehimeng US-Aquino! ###

No comments:
Post a Comment