Tinatayang hindi bababa sa 10,000 ang mga maralitang lalahok sa protesta ng mga maralita bukas sa Metro Manila kasabay ng State of the Nation Address ni Pangulong Aquino.
Ayon sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), inaasahan nilang mayorya sa lalahok sa protesta bukas sa mga maralitang nahaharap sa demolisyon dahil sa iba’t ibang Public-Private Partnership projects ng gubyernnong Aquino.
Ayon naman sa KADAMAY, tinatayang hindi bababa sa 3,000 kasapi nila ang lalahok sa protesta sa SONA mula sa iba’t ibang syudad sa Metro Manila.
Ayon pa sa grupo, inaasahan din nilang magkakasa ng parehas na protesta ang mga maralita sa Metro Baguio, Metro Cebu at Metro Davao. Samanatala, ang mga maralita naman mula sa Cavite na planong palayasin dahil sa LRT extension ay naktakdang tumulak na patungong Quezon City ngayong umaga.
Sidewalk protest vs demolisyon
Sa Valenzuela City, maagang maglulunsad ngayong araw ang mga residente sa Barangay Bignay, ng isang pre-SONA build-up activity na tinawag nilang ‘sidewalk protest laban sa demolisyon. Lalahukan ito ng mahigit sa 50 pamilyang ngayon ay nakatira sa bangketa matapos ang naging marahas na demolisyon ng kanilang tirahan noong Hulyo 2.
Pinalayas ang mga residente ng Valenzuela LGU sa tulak ng isang nagsasabing may-ari ng lupang kinatitirikan ng kabahayan ng 213 pamilya.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela, isang danger area ang komunidad ng mga residente sa ilalim ng transmission lines ng National Grid Corporation. Walang relokasyong inalok sa mga residente maliban sa P5,000 financial assistance ang lokal na pamahalaan.
70,000 pamilyang biktima ng demolisyon
Ayon kay Carlito Badion, national secretary-general ng KADAMAY, mararahas at malawakan ang ginagawang pagpapalayas sa maralita mula sa kanilang komunidad ng administrasyong Aquino.
“Sa kabila ng matinding kahirapan sa bansa dahil sa kawalan ng trabaho at lupain ng maraming mga Pilipino, pinapalala pa umano ang kanilang kalagayan ng paglilikas sa mga maralitang lungsod sa relokasyong malayo sa kanilang kabuhayan,” ani Badion.
Sa loob ng 3 taong panunungkulan ni Aquino, nagtala ang KADAMAY ng hindi bababa sa 70,000 pamilyang maralita na humarap sa direktang banta ng pagpapalayas mula sa kanilang komunidad, kundiman nawalan ng tirahan. Kabilang sila sa 584,000 pamilyang tinukoy ng administrasyong Aquino na target for relocation mula sa Metro Manila.
Kasama rin sa mahabang listahan ng extra-jucial killing sa ilalim ni Aquino ang hindi bababa sa 13 maralitang pinaslang umano ng awtoridad.

Panawagan sa maralita
Kung kaya’t ipanapawagan ng KADAMAY sa darating the SONA ng panglo na wakasan ang malawak na demolisyon ng maralitang komunidad para sa interes ng malalaking negosyante at dayuhan.
Karugtong nito, nanawagan din ang grupo sa bawat maralita lalo na ang mga pinapalayas ng gubyerno mula sa kanilang komunidad upang lumahok sa martsa ng mga maralita mula sa National Housing Authority bukas patungong Batasang Pambansa.
“Walang ibang patutunguhan ang mga maralita kundi ang maghimagsik laban sa dinaranas nitong kahirapan, kaapihan at pambubusabos sa ilalim ng rehimeng US-Aquino,” pagwawakas ni Badion. ###

No comments:
Post a Comment