Habang marami pa rin sa ating mga kababayan ang lubog sa baha dulot na ilang araw na pag-ulan dahil sa Hanging Habagat, nanawagan ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY sa mga maralitang-lungsod labanan ang matinding korapsyon na anila'y nasa likod ng kapalpakan ng flood-control program ng gubyerno.
Kasabay nito, nanawagan ang KADAMAY na lumahok ang mga maralita sa protesta sa mga darating na araw kabilang na bukas, Agosto 23, at sa Lunes, Agosto 26, na martsa mula sa Liwasang Bonifacio patungong Luneta at Mendiola. Ang mga pagkilos na ito ay nananawagan ng agarang pagbasura sa pork barrel system na isa umano sa pangunahing nasa likod ng kapalpakan ng administrasyong Aquino sa paghahatid ng tunay na serbisyo sa taumbayan.
Liban sa pagresolba sa dekada ng kahirapan, sana ay ginagamit na lang umano ng gubyerno sa pagtitiyak sa kahandaan ng bansa laban sa pagbaha at ibang kalamidad ang trilyong piso pondong ilang dekada nang inalalagak ng gubyerno sa mga Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga kongresista at pangulo ng bansa.
Ayon kay Carlito Badion, KADAMAY national secretary-general, dapat tumingin ang mga pulitiko sa salamin at sa kanilang bulsa sa paghahanap ng salarin sa pagbaha sa Metro Manila.
'Kitang-kita sa panibagong paghagupit ng Hanging Habagat na hungkag ang mga flood-control program na ipinatupad ang gubyerno laban sa pagbaha sa Metro Manila at iba pang probinsya sa Luzon. Taun-taon, sa korapsyon sa loob ng DPWH, DILG, MMDA at iba pang ahensya lamang nilulustay ng gubyerno ang pondo para sa flood-control projects ng mga kongresista at maging ng Pangulo," ani Badion.
Ngayon pa lang ay tiyak na pinaglalawayan na ng mga pulitiko at lider ng mga nasabing ahensya ang pondo para sa flood control master plan sa Metro Manila at karatig probinsya na nagkakahalaga ng P351.72-bilyon.
Nakagigil pa umano ang paninisi ng gubyerno sa mga maralitang nakatira sa tabi ng mga daanan ng tubig na umano ay matitigas ang ulo, at silang nasa likod ng pagbaha sa Metro Manila.
"Walang ibang dapat sisihin ang mga pulitiko, sa pangunguna ni Pangulong Aquino, kundi ang kanilang mga sarili sa lumalalang kalagayang kinakasadlakan ng 30 milyong maralitang-lungsod sa bansa at iba pang naghihikahos na sektor sa ating bayan," ayon sa lider.
Daang komunidad ng maralita sa Kamaynilaan at karatig-probinsya ang lubog pa rin sa baha, samantalang halos kalahating milyong maralitang pamilya sa Metro Manila kabilang na ang mga nakatira sa relocation site Montalban, Rizal at paligid ng mga tambakan ng basura ang naantala ang kabuhayan sa pananalasa ng Hanging Habagat.###
Reference: Carlito Badion, KADAMAY national secretary-general, 0939.387.3736

No comments:
Post a Comment