Translate

Tuesday, March 23, 2010

MEDIA ADVISORY: Mga lider-maralita, ihahatid ang ‘cease and desist order’ para sa mga maniobra ni GMA

Sa pagpapatuloy ng mga protesta tungo sa Marso 26 'Martsa ng Maralita' (Stop GMA in 2010!)...

Mga lider-maralita, ihahatid ang ‘cease and desist order’ para sa mga maniobra ni GMA


Hindi napapanatag ang loob ng maraming Pilipino sa mga pahayag na lumabas mula sa mga malalapit kay Pangulong Arroyo, na tiyak ang pagbaba nito sa pwesto sa pagtatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30. Ito ay dahil pinasisinungalingan ng kanyang mga maniobra ang salita ng kanyang asawa at mga tauhan.

Kaya’t bukas, ihahatid ng mga lider ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), grupo ng mga maralitang-lungsod, ang isang ‘cease and desist order’ upang tigilan na ni Gng. Arroyo ang mga maniobrang ito, at babala para sa malakihang kilos-protesta sa Marso 26 na mananawagan para sa kanyang pagpapatalsik.

Ang protestang ito ay bahagi ng serye ng mga pagkilos tungo sa malakihang kilos-protesta ng mga maralitang-lungsod sa Marso 26, ang 'Martsa ng Maralita' na may panawagang Stop GMA in 2010!
_____________________________________________________
BUKAS, Marso 24, 10 AM
Mendiola (Chino Roces Monument)

Tampok ang mga ‘baraha’ ni GMA (kaliwa)
Media Coverage is Requested.
Please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO, at 0910.975.7660.




______________________________________________________
UP NEXT (Further details to follow):

March 25 Sa bisperas ng simula ng local campaign period: Mensahe sa Pampanga
Hindi man tayo aktwal na makakarating sa Pampanga, padadalhan ng mensahe ang mga Pampangueño sa pamamagitan ng paglilibot sa mga Pampanga-bound bus sa Cubao: Huwag iboto ang paglala ng kahirapan, katiwalian, at pang-aabuso sa karapatang-tao!
6 AM (starting point): Five-Star Bus Station, EDSA-Cubao

No comments:

Post a Comment