Sa pagpapatuloy ng mga protesta tungo sa Marso 26 'Martsa ng Maralita' (Stop GMA in 2010!)...
NFA babalaan: Magpatupad na ng mga hakbang kontra pagsirit ng presyo ng pagkain, bunsod ng El Niño
NFA Rice, ibalik sa dating presyong P18.25 kada kilo
Matapos ang malinaw na kakulangan ng kahandaan ng gubyerno sa pagdating ng El Nino, na nagdulot ng pagkasira ng bilyon-bilyong halaga ng mga pananim, binabalaan ang National Food Authority (NFA): kaagad nang agapan ang napipintong pagsirit ng presyo ng pagkain bunsod nito, laluna sa bigas.
Partikular na panawagan ang muling pagbebenta sa merkado ng halagang P18.25 kada kilong NFA rice, sa panahong papalala ang kagutuman at patuloy ang pagbagsak ng kabuhayan at kita ng maraming Pilipino.
Ang protesta sa NFA ay bahagi ng serye ng mga pagkilos tungo sa malakihang kilos-protesta ng mga maralitang-lungsod sa Marso 26, ang 'Martsa ng Maralita' na may panawagang Stop GMA in 2010! (please see earlier post).
_______________________________________________________
BUKAS, Marso 22, 10 AM
NFA Warehouse sa Visayas Avenue, Quezon City
Media Coverage is Requested.
Please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO, at 0910.975.7660.
________________________________________________________
UP NEXT (Further details to follow):
March 24 Urban poor leaders sa Mendiola
Paghahatid ng pabatid, at babala, kay Gng. Arroyo para sa malakihang kilos-protesta ng Marso 26 at panawagang pagbaba niya sa poder at pananagot sa kanyang mga kasalanan sa mga maralitang-lungsod.
10 AM, Mendiola (Chino Roces Monument)
March 25 Sa bisperas ng simula ng local campaign period: Mensahe sa Pampanga
Hindi man tayo aktwal na makakarating sa Pampanga, padadalhan ng mensahe ang mga Pampangueño sa pamamagitan ng paglilibot sa mga Pampanga-bound bus sa Cubao: Huwag iboto ang paglala ng kahirapan, katiwalian, at pang-aabuso sa karapatang-tao! ##
For further details, please contact Jon Vincent Marin, PIO, Kadamay | 0910.975.7660.
No comments:
Post a Comment