NEWS RELEASE / MEDIA ADVISORY
20 March 2010
Pormal na inilunsad ngayon ang isang week-long na serye ng mga aktibidad na dudulo sa malakihang kilos-protesta ng mga maralitang-lungsod, ang 'Stop Gloria in 2010!' sa darating na Biyernes, Marso 26.
Sa isang press conference ngayong umaga sa Quezon City, idiniin ni Leona 'Nanay Leleng' Zarsuela, pambansang tagapangulo ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang pangangailang "mismong taumbayan na ang maniguro" sa pagpapaalis kay Pangulong Gloria Arroyo sa kapangyarihan, dahil aniya sa "malinaw na plano" nito na makapagtagal pa sa poder.
"Ito ay panawagan para sa aklasang-bayan sa Marso 26, upang tuluyan nang wakasan ang paghahari at pagpapahirap sa atin ni Gloria Macapagal-Arroyo," ani Nanay Leleng. "Sa loob ng nakaraang siyam na taon, malinaw at hindi matatawaran ang paglala ng kahirapan, kagutuman, at kawalang-kabuhayan -- at nagbabanta pa itong magpatuloy, kung hindi natin mapipigilan ang malinaw na pagtatangka ni Gng. Arroyo na manatili pa sa kapangyarihan.
“Tapusin na natin ang labang ito. Sa Marso 26, susugod tayo sa Malacañang upang tapusin na ang mga pangarap ni Gloria Arroyo.”
___________________________
BUKAS, March 21 (Linggo)
Sulyap sa Karaban ng Anakpawis, 10 AM
Gamit ang kariton, lumang batirya ng sasakyan, amplifier, at trompa, isinusulong ng Kadamay ang Karaban ng Anakpawis para sa Kabuhayan at Hustisyang Panlipunan sa mga maralitang komunidad, mula pa noong Pebrero. Pagpapakita sa "no-budget", grassroots campaign ng Kadamay para sa Anakpawis Partylist at Makabayan senatoriables Satur Ocampo at Liza Maza, ito rin ay umiikot sa mga maralitang komunidad upang manawagan ng protesta para patalsikin si Gloria Macapagal-Arroyo.
Bulacan St., Payatas Road (formerly Gravel Pit Road), Brgy. Payatas, Quezon City
Please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO, at 0910.975.7660 for confirmation. Thank you.
______________________________________________________
Further schedules leading to March 26 protest (Details to follow)
March 22 Protesta sa NFA
Panawagan sa pagtitiyak ng food security, lalo sa bigas, sa harap ng El Niño at napipintong pagsirit ng presyo ng pagkain at pangunahing bilihin.
March 24 Urban poor leaders sa Mendiola
Paghahatid ng pabatid, at babala, kay Gng. Arroyo para sa malakihang kilos-protesta ng Marso 26 at panawagang pagbaba niya sa poder at pananagot sa kanyang mga kasalanan sa mga maralitang-lungsod.
March 25 Sa bisperas ng simula ng local campaign period: Mensahe sa Pampanga
Hindi man tayo aktwal na makakarating sa Pampanga, padadalhan ng mensahe ang mga Pampangueño sa pamamagitan ng paglilibot sa mga Pampanga-bound bus sa Cubao: Huwag iboto ang paglala ng kahirapan, katiwalian, at pang-aabuso sa karapatang-tao!##
No comments:
Post a Comment