60 pamilya, apektado
NEWS RELEASE
23 May 2010
Hinihinalang sinadya ang pagkakasunog sa kabahayan ng may 60 pamilya mula kagabi hanggang ngayong madaling araw (Mayo 23) sa Sitio San Roque, North Triangle, Quezon City, upang pwersahang mapaalis ang mga lumalaban sa demolisyon.
Tuloy-tuloy ang protesta nitong mga nakaraang araw ng mga residente sa nasabing lugar, upang tuligsain ang planong demolisyon bunga ng proyektong QC-Central Business District (QC-CBD).
Gasolina umano ang ginamit sa pagsunog, ayon sa mga residente.
Nagtipon naman ngayong alas-6 n.u. ang mga residente sa nasunugang lugar upang kundenahin ang hinihinalang sadyang panununog, at ipakita ang kanilang patuloy na paglaban sa demolisyon sa kabila ng trahedya.
Kasalukuyang nakalagak ngayon sa kalapit na basketball court ang mga pamilyang nasunugan.
Ang QC-CBD ay naglalayong magtayo ng mala-Makati na business district sa lugar na inookupa ng North at East Triangles, na nagbabanta sa paninirahan ng humigit-kumulang 25,000 maralitang pamilya. Ito ay isang national government project ng administrasyong Arroyo at itinuturing na 'legacy project' ni outgoing city mayor Feliciano 'Sonny' Belmonte. ##
For reference: please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO, at 0910.975.7660.
No comments:
Post a Comment