Translate

Saturday, June 5, 2010

Pagkakabasura ng FOI Bill: Pro-GMA House, tapat hanggang huli

NEWS RELEASE
05 Jun 2010

Hanggang huli, pinatunayan ng kalakhan ng kasapi ng 14th Congress ang kanilang katapatan kay PGMA.

Ito ang reaksyon ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), grupo ng maralitang-lungsod, sa pagkakabasura kagabi ng Freedom of Information (FOI) Bill dahil sa kakulangan ng House members sa session upang ipasa ito.

"Sa patung-patong na mga kaso ng korupsyon ni Gloria Arroyo, na maaari pa ring ungkatin laban sa kanya sa hinaharap, malinaw ang takot ni Arroyo sa maaaring gawin ng batas na ito," ani Carlito Badion, pangalawang pangulo ng Kadamay.

At hindi naman siya binigo ng kanyang mga "tuta" sa Kamara, ayon sa grupo, na tiniyak ang pagpatay sa FOI Bill sa kabila ng masugid na pagtutulak dito ng maraming sektor at grupo.

"Ipinapakita rin nito na, sa kabila ng pagkakampante na ng marami, hindi pa rin sumusuko ang palubog na rehimeng Arroyo sa paghahasik ng lagim maging sa susunod na administrasyon, at pagpapalawig pa ng kanyang galamay sa kapangyarihan," ani Badion. "Ito ang magiging unang matinding hamon kay [presidential frontrunner] Noynoy Aquino -- ang pagbura sa lahat ng iiwang bakas ni GMA, ang pag-usig at pagpapanagot sa kanya." ##

Reference Carlito Badion, Kadamay Vice Chair | 0939.387.3736
For further details, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO, at 0910.975.7660.

No comments:

Post a Comment