Translate

Friday, November 25, 2011

Maralitang giniba ang tahanan, hinikayat tumira sa labas ng National Housing Authority [Bilang simbolo diumano ng pagkainutil ng ahensiya]

RELEASE l 25 November 2011
ALYANSA KONTRA DEMOLISYON
Reference: Carlito Badion, AKD lead convenor (09393873736)

QUEZON CITY—Nanawagan ang grupong Alyansa Kontra Demolisyon sa lahat ng maralita sa buong bansa na giniba ng pamahalaan ang tahanan at ang mga may nakaambang demolisyn upang matayo ng mga barung-barong sa labas ng opisina ng National Housing Authority.

Ito diumano ay simbolo sa pagkainutil ng nasabing ahensiya na tugunan ang pangangailangan sa pabahay ng milyun-milyong maralita, at ang pakikipagsabwatan pa nito sa mga negosyante ng murang pabahay para diumano.

Kasabay nito ang panawagan ng grupo para higit pang patatagin ng maralita ang depensa ng kanilang tahanan, lalo na ang mga maralita sa North Triangle na may nakaamba na namang demolisyon sa Nob 28. Pinintahan ng mga kasaping lumahok sa kanilang kilos-protesta ngayong araw ang logo ng NHA at sinulatan ng katagang ‘INUTIL.’

Ayon kay Carlito Badion, “nakakalungkot isipin na daan-libong maralita ang nangangamba sa iba’t-ibang dako ng bansa dahil sa nais silang palayasin ng pamahalaan para ilaan sa mga pribadong kompanya ang lupang kinatitirikan ng kanilang tahann at malapit sa kanilang kabuhayan.”

“Sa Metro Manila pa lamang, ang planong paglilikas sa 556,000 maralita patungo sa mga malalayong relokasyon ay makakategoryang isang all-out-war ng rehimen para gawing eksklusibo ang sentrong kapital sa mga negosyante at iilang may kayang mamamayan,” dagdag ni Badion.

Libu-libo rin ang pinapalayas sa mga sentrong lungsod sa bawat rehiyon ng bansa. Apektado sila ng pangangamkam ng mga debeloper at negosyante, maging ng mga proyekto ng dayuhan at lokal na kompanya na nakapakete sa programang Public-Private Partnership ng rehimen.

Ngayon ang ikalabing isang araw ng araw ng kampuhan ng maralita sa labas ng NHA sa Quezon City na nagsimula pa noong Nob 14. Layun ng kampuhan na ipatigil ni Aquino ang mga nagaganap at nakaambang demolisyon sa buong bansa. Nanawagan din ang grupo na ibasura ang Urban Development and Housing Act o UDHA, ang batas na nagliligalisa sa pagpapalayas sa mga maralita mula sa kanilang komunidad sa kabila ng mga malalaking paglabag sa kanilang
karapatang-tao.

Inaasahang maglunsad din sa mga darating na araw ng kaparehas na kampuhan ang mga maralita sa iba’t-ibang syudad at rehiyon sa buong bansa. Ang AKD-Davao ay sisimulan ang kanilang kampuhan sa labas ng opisina ng NHA sa darating na Nob 28. Susundan ito sa iba pang sentrong syudad at rehiyon sa buong bansa. ###

No comments:

Post a Comment